Inirekomenda ni Marikina Rep. Bayani Fernando ang bagong paraan ng pagbati kasunod na rin ng pinangangambahang pagkalat ng sakit na novel corona virus.
Sa House Bill 921 na inihain ng kongresista, sa halip na nakagawiang tradisyunal na shakehands ay ipapalit ang pagbating pilipino na kung saan ilalagay ang kanang kamay sa dibdib, bahagyang yuyuko saka sasabihin ang greetings o pagbati.
Ayon kay Fernando, base sa mga pag-aaral ng mga nasa medical profession. Mas mabilis na nakakahawa at naililipat ang sakit sa pakikipagkamay.
Katwiran pa ng kongresista, ang bagong greeting gesture ay nangangahulugan ng good faith na nagmumula sa puso at respeto.
Inaatasan naman ang Philippine Information agency para manguna sa pagtuturo ng bagong pagbati sa lahat ng mga ahensya at tanggapan ng gobyerno.