Bagong paraan ng PNP na pagsugpo sa iligal na droga sa bansa, suportado ng mga senador

Kinatigan ng mga senador ang bagong paraan ng Philippine National Police (PNP) sa pagsugpo ng iligal na droga sa bansa.

Sa recalibrated approach ng PNP, target ng mga awtoridad na masawata ang mga sources at supply chains ng iligal na droga sa halip na ang mga drug pushers at users.

Ayon kay Senate President Chiz Escudero, suportado niya ang bagong estratehiya ng PNP sa pagsugpo ng iligal na droga sa bansa.


Aniya, dapat noong una pa lamang ay tinarget na ng mga awtoridad ang mga suppliers ng raw materials ng shabu at cocaine dahil karamihan ng mga ito ay mula pa sa abroad.

Sinabi pa ni Escudero na palagi nga niya kinukwestyon ang PNP kung bakit ang mga hinuhuli lang ay puro maliliit na pushers at wala man lang ni isang big-time drug lord na nahuli at naparusahan.

Pabor din si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa bagong estratehiya ng PNP at naniniwala siyang dito tunay na mahahanap ang mga drug lords.

Kumpyansa ang mga mambabatas na kapag nagtagumpay ang paraan na ito ay tiyak na mawawala ang droga at bababa ang bilang ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Facebook Comments