Mula sa P60 flat rate, magiging P60 na ang unang tatlong oras na parking fee sa mga sasakyan sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) epektibo ngayong araw.
Kapag lumagpas na sa tatlong oras, magkakaroon na ng P15 na charge kada oras.
Ang overnight parking naman sa PITX ay magiging P300 na mula sa dating P150.
Habang ang mga motorsiklo ay magbabayad na ng P60 flat rate, mula sa dating P50.
Ayon sa pamunuan ng PITX, ang pagtaas sa parking fee sa transport hub ay sa harap ng mataas na demand mula sa commuters at tenants.
Dito rin anila kukunin ang gagawing pag-improve saparking facilities tulad ng paglalagay ng automatic plate recognition, at digital payment kiosks.
Facebook Comments