Manila, Philippines – Isinusulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang bagong pulisya sa pagmimina.
Layunin nitong masawata ang pagkasira ng kalikasan, kalusugan at kabuhayan dahil sa ilegal na pagmimina ng mga abusadong kumpanya.
Base sa bagong patakaran, magiging limitado na lamang ang pagmimina.
Halimbawa, kung may 100,000 ektarya ang kumpanya ay 10% lamang dito ang pwedeng gamitin sa pagmimina.
Ayon kay DENR Undersecretary Benny AntipordaM sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagkalbo ng kagubatan.
Isinasapinal na ng DENR ang pulisiya at sa oras na maipatupad ito, magiging mahigpit sila sa mga malalaki at maliliit na kumpanya.
Facebook Comments