MANILA – Kasabay ng kampanya kontra zika virus, nagpalabas ngayong ang Department of Health (DOH) ng bagong patakaran sa nasabing sakit.Sa ilalim ng bagong guidelines, ang mga buntis ay pinapayuhang sumailalim sa blood test bago ang proseso ng transfusion o pagsasalin ng dugo.Ayon kay DOH Usec. Gerardo Bayugo – ang mga dugo na isasalin sa mga buntis na mangangailangan ng blood transfussion ay kinakailangan munang isailalim sa pagsusuri upang matiyak na ligtas ito sa zika virus.Sa kasalukuyan, pumalo na sa 19 ang kaso ng zika virus infection kabilang na ang isang buntis mula sa iloilo city.Mula sa nabanggit na bilang, 12 ang mula sa western visayas na karamihan ay mula sa iloilo city, tatlo sa metro manila at calabarzon, at isa sa central visayas.Mahigpit din ang monitoring ngayon ng zika cases para matiyak na di mapapalusutan ang pilipinas ng zika cases na galing sa labas ng bansa.
Bagong Patakaran Kontra Zika Virus – Inilabas Ng Department Of Health
Facebook Comments