Bagong patakaran sa mga lalabag sa curfew, inilabas ng PNP

Naglabas ng bagong panuntunan ang Philippine National Police (PNP) ukol sa mga lalabag sa curfew sa gitna ng ipinapatupad na Luzon-Wide Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay PNP Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, hindi na ikukulong ang mga lalabag sa curfew pero papatawan ng multa at penalties ang mga ito.

Dagdag pa ni Eleazar, iipunin ang mga penalties na ito at saka ipapabayad sa mga lumabag pagkatapos ng krisis sa COVID-19.


Nabatid na ito ang napagkasunduan ng PNP at Department of Justice (DOJ) kaugnay ng mga reklamong natatanggap ng ahensya sa hindi makataong pagtrato sa mga curfew violators.

Facebook Comments