BAGONG PATIENT TRANSPORT VEHICLE SA SAN NICOLAS, TUTUGON SA MGA LIBLIB NA BARANGAY

Tumanggap ng bagong Patient Transport Vehicle (PTV) ang bayan ng San Nicolas ilalim ng Medical Transport Vehicle Donation Program.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang turnover ceremony, kasama ang alkalde ng San Nicolas at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa Alkalde, malaking tulong ang bagong PTV sa mabilisang pagtugon sa mga emerhensiyang medikal, lalo na sa mga liblib na bahagi ng bayan.

Ito na ang ikalimang medical vehicle ng San Nicolas mula 2019 bilang suporta ng pamahalaan sa sektor ng kalusugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments