Bagong PCG Commandant, itinalaga na ni PRRD

49

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice Admiral Joel Sarsiban Garcia bilang bagong Philippine Coast Guard Commandant.

Batay sa appointment paper na inilabas ng palasyo ngayon, epektibo ang pagtatalaga kay Garcia sa Huwebes, Oktubre 24.


Papalitan nito si PCG Commandant Admiral Elson Hermogino na magreretiro ngayong araw, Oktubre 22.

Bago maitalagang PCG Commandant, si Garcia ay nagsilbing Deputy Commandant for Operations at Director of the National Coast Watch Center.

Facebook Comments

From Advertisers