Bagong PhilHealth Chief, papangalanan na ni Pangulong Duterte ngayong araw

Papangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong President at Chief Executive Officer ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Senator Bong Go, inaanunsyo ng Pangulo ang bagong mamamahala sa state health insurer sa kanyang “Talk to the Nation” address.

Ipag-uutos din ni Pangulong Duterte sa bagong PhilHealth Chief na linisin ang korapsyon sa ahensya.


Nabatid na nagbitiw sa kaniyang pwesto si Retired General Ricardo Morales sa harap ng mga isinasagawang imbestigasyon sa tanggapan.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na mas makabubuti na mag-resign si Morales dahil na rin sa kaniyang kalusugan.

Facebook Comments