Bagong PhilHealth chief, tiniyak na walang makakalusot sa imbestigasyon kaugnay sa mga iregularidad sa ahensya

Manila, Philippines – Tiniyak ni bagong PhilHealth President and CEO Ricardo Morales na walang makakaligtas sa nagpapatuloy na imbestigasyon kaugnay sa mga anomalya sa ahensya.

Ayon kay Morales – lahat ng iregularidad ay iimbestigahan partikular ang maanomalyang reimbursement claims.

Siniguro rin niya na magiging patas ang imbestigasyon at kapag napatunayang may nangyaring fraud ay papanagutin ito sa ilalim ng batas.


Dagdag ni Morales – iniimbestigahan na ng NBI ang umano’y presensya ng mafia sa PhilHealth na itinuturong nasa likod ng mga iregularidad.

Hinimok niya ang lahat ng mga sangkot na lumantad na lang kaysa tugisin ang mga ito.

Samantala, pagtitiyak din ng bagong PhilHealth chief na tutuparin niya ang kanyang mandatong gawing prayoridad ang universal health care.

Facebook Comments