Bagong Philippine Army Chief, inatasan ni PBBM na sikaping magkaroon ng Army World Class

Ipursige ang pagkakaroon ng adaptable, competitive at World Class Army.

Ito ang unang marching order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa bagong Commanding General ng Philippine Army na si Lt. Gen. Roy Galido.

Sa talumpati ng pangulo sa Change of Command Ceremony kahapon sinabi nitong inaasahan niya sa bagong army chief na gagabayan nito ang Philippine Army para matapos na ang communist insurgency at banta ng terorismo maging ang pagtutok rin sa banta sa national security.


Umaasa rin ang pangulo na pangungunahan ni Galido ang pagpapalakas ng engagement sa mga foreign counterparts, mapaangat ang interoperability at komunikasyon.

Maging ang pagkatuto sa mga best practices sa pamamagitan pagsasanay at joint exercises.

Nais rin marinig ng pangulo ang mga plano ni Lt. Gen. Galido patungkol sa pagprotekta sa soberanya ng bansa at maging kung papaano maita-transform sa world class military force ang Philippine Army.

Tiniyak naman ng pangulo na committed ang kanyang administrasyon para mas maging moderno ang Armed Forces of the Philippines.

Facebook Comments