Bagong Pilipinas campaign, hindi pamumulitika at walang hidden agenda ayon kay Pangulong Marcos

Screenshot from RTVM

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na walang halong pamumulitika at walang hidden agenda ang isinusulong ng kaniyang administrasyon na “Bagong Pilipinas.”

Ayon kay Pangulong Marcos, layunin lamang nito na maglatag ng master plan para sa pag-unlad ng bansa.

Hindi rin aniya ito isang political game plan na tutugon lamang sa iilan dahil isa itong plano kung saan makikinabang ang lahat ng Pilipino.


Para sa mga nalason aniya ng pulitika, idiniin ng pangulo na ang Bagong Pilipinas ay hindi Trojan Horse kundi isang programa na binuo ng mga nagmamahal sa bayan.

Ang Philippine Development Plan aniya ang isa sa mga batayang dokumento kung saan hinango ang “Bagong Pilipinas” bilang brand of governance ng kaniyang administrasyon.

Facebook Comments