Bagong Pilipinas hymn, magiging bahagi na ng flag ceremonies sa mga tanggapan ng gobyerno

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno kabilang ang Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) at mga pampublikong paaralan na isama sa flag ceremony ang Bagong Pilipinas Hymn and Pledge.

Batay sa Memoramdum Order na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, layon ng nasabing hakbang na itatak sa mga Pilipino ang prinsipyo ng panibagong gobyerno na sumesentro sa pagkakaisa ng bawat institusyon ng lipunan.

Kaugnay nito, inatasan din ang pamunuan ng mga ahensya ng Pamahalaan partikular ang Presidential Communications Office na mangasiwa sa maayos na pagpapatupad ng mga panuntunan kaugnay sa Bagong Pilipinas Hymn.


Base sa R.A. No. 8491 o ang “Flag and Heraldic Code of the Philippines,” lahat ng opisina ng gobyerno kabilang ang mga LGU ay may mandato na magsagawa ng flag raising ceremony tuwing Lunes ng umaga at flag lowering ceremony tuwing Biyernes ng hapon.

Facebook Comments