Bagong Pilipinas Kick-off Rally isasagawa sa Kampo Krame ngayong umaga

 

Pangungunahan ni PNP Chief, PGen. Benjamin Acorda Jr., ang pre-launching ng Bagong Pilipinas Kick-off Rally ngayong araw.

Inaasahang ibibida ng Philippine National Police (PNP) ang mga naging tagumpay ng Pambansang Pulisya sa nakalipas na isa at kalahating taon sa ilalim ng Administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Isasagawa ang programa sa National Headquarters ng PNP sa Kampo Krame ganap na alas-10 ng umaga kung saan dadaluhan din ito ng mga opisyal ng Pambansang Pulisya.


Una nang ipinagmalaki ni Acorda ang na mataas na trust at approval ratings na nakamit ng PNP batay sa mga survey gayundin ang matagumpay na kampanya kontra iligal na droga at ang pagkakatala ng Pilipinas bilang isa sa mga pinakaligtas na bansa sa Asya.

Facebook Comments