BAGONG PINUNO | Bagong Justice Secretary, wala pang linaw kung kailan magre-report sa DOJ

Manila, Philippines – Hindi pa masabi ng Department of Justice (DOJ) kung kailan magsisimula sa trabaho sa DOJ si bagong Justice Secretary Menardo Guevarra.

Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, hindi pa nila masabi kung kailan haharap sa media sa DOJ si Guevarra.

Sa panig naman ni Guevarra, tiniyak nito na susundin niya ang marching orders ng Pangulo.


Ayon kay Secretary Guevarra, simple lang ang naging sole instruction sa kanya ng Pangulong Duterte na gawin kung ano ang tama.

Kahapon, nanumpa na kay Pangulong Duterte ang bagong Justice Secretary matapos tanggapin ng Presidente ang pagbibitiw ni dating Secretary Vitaliano Aguirre.

Facebook Comments