Manila, Philippines – Nakatakdang manumpa ngayong araw, November 21 si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon bilang bagong director general ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ito ay matapos kumpirmahin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment papers ni Faeldon.
Ayon kay Guevarra, nais nang manumpa ni Faeldon para mapag-umpisahan na niya ang kanyang trabaho.
Si Faeldon ay inaasahang papalit kay retired Police General Ronald Dela Rosa na tatakbo bilang senador sa 2019 Midterm elections.
Facebook Comments