BAGONG PINUNO | Galvez, itinalaga bilang peace adviser; Gen. Madrigal, pormal nang naupo bilang AFP chief

Simula sa susunod na linggo, magsisilbi na bilang bagong Presidential Adviser on the Peace Process si dating Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Carlito Galvez.

Ito ang inanunsiyo mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Change of Command Ceremony ni incoming AFP Chief of Staff Lt. General Benjamin Madrigal at testimonial review ni outgoing Chief of Staff General Carlito Galvez, Jr. sa Camp Aguinaldo.

Papalitan ni Galvez si dating Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza na nagbitiw sa puwesto matapos masangkot sa korapsyon ang dalawang tauhan nito.


Kasabay nito, inatasan naman ni Pangulong Duterte si bagong AFP Chief of Staff Benjamin Madrigal na gumawa ng hakbang na magbibigay ng positibong pagbabago sa bansa.

Pinakilos din ng Pangulo ang mga sundalo na suportahan si Madrigal at panatilihin ang kapayapaan sa komunidad.

Sabi pa ng Pangulo, hindi dapat biguin ng mga sundalo ang publiko na tuparin at gampanan ang sinumpaang tungkulin.

Facebook Comments