BAGONG PINUNO | Hanay ng PNP, nanatiling mataas ang moral sa pagkakatalaga ni incoming PNP Chief Oscar Albayalde

Manila, Philippines – Nanatiling mataas ang morale ng hanay ng Philippine National Police sa pagkakatalaga kay Police Director Oscar Albayalde bilang bagong PNP Chief.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt John Bulalacao kilalang mahusay at may integridad si Albayalde kaya mananatili aniya ang morale ng kanilang hanay.

At dahil kilalang disciplinarian si Albayalde sinabi ng opisyal na ang disiplina ay bahagi na ng buhay ng mga pulis.


Mas makabubuti aniya sa kanilang hanay kung mapaparusahan o maalis sa serbisyo ang ilan nilang kasamahan kung naliligaw ng landas.

Nakakasira aniya sa imahe ng kanilang organisasyon at pagseserbisyo sa bayan ang mga tiwaling pulis.

Si Albayalde ay uupo na ngayong araw bilang ika 22 PNP Chief.

Dadaluhan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang change of command sa grandstand ng Camp Crame.

Facebook Comments