BAGONG PINUNO | JBC, magko-convene ngayong linggo para sa nominasyon at aplikasyon para sa posisyon ng chief justice

Manila, Philippines – Magko-convene ngayong linggo ang Judicial and Bar Council (JBC) para talakayin ang utos ng Korte Suprema na buksan kaagad ang nominasyon at aplikasyon para sa posisyon ng chief justice.

Kasunod ito ng pagpapatalsik ng mga mahistrado kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa botong 8-6 pabor sa quo warranto petition na inihain laban sa kanya.

Pag-uusapan ng council kung bubuksan ba kaagad ang nominasyon o application process o kung hihintayin muna ang final ruling ng SC sa kaso matapos ianunsyo ng kampo ni Sereno na posible silang maghain ng motion for reconsideration kaugnay ng desisyon.


Mababatid na ang JBC ang body na nakatoka para salain ang mga aplikasyon sa hudikatura, ombudsman at posisyon ng deputy ombudsmen.

Facebook Comments