Manila, Philippines – Sisimulan na ng Judicial and Bar Council (JBC) sa susunod na linggo ang paghahanap sa bagong Supreme Court chief justice.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ex-officio member ng JBC – masusing pag-aaralan ang mga nominado para sa judicial post.
Sa Lunes, June 25 bubuksan ang nominasyon para sa bakanteng posisyon.
Matatandaang pinagtibay ng Korte Suprema ang naunang desisyon nito na paburan ang quo warranto na siyang nagpatalsik kay Atty. Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado.
Facebook Comments