Manila, Philippines – Pormal nang naupo bilang bagong Armed Forces of the Philippines Chief of Staff si Lieutenant General Carlito Galvez Jr. kasunod ng isinagawang AFP Change of Command sa Camp Aguinaldo.
Sa talumpati ni Galvez, labing anim na minuto nitong pinasalamatan ang mga taong nagtiwala sa kanya sa pagkakatalaga sa pinakamataas na posisyon sa Sandatahang lakad ng Pilipinas.
Nagpaalala naman si Galvez sa mga kapwa nitong opisyal na manatiling propesyunal at dedicated sa kanilang tungkulin protektahan ang taong bayan at mahigpit na bantayan ang mga lugar ng bansa laban sa mga mananakop.
Nagpasalamat rin si Galvez sa mga Pilipino dahil sa pagtitiwala sa kakayanan ng AFP, pero patuloy na humihingi ng suporta upang magampanan ng AFP ang kanilang mandato.
Binalikan rin ng opisyal ang pagmamando sa Marawi kung saan naghasik ng kaguluhan ang terotistang Maute at nagbuwis ng buhay ang ibang sundalo.
Pangako ng bagong Chief of Staff, gagawin nya ang lahat ng kanyang makakaya para protektahan ang bansa sa kamay ng ‘violent extremism’.
Sa kabila nito, sinabi naman ni Galvez na suportado nya ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng komunistang grupo kung uusad ito.
Bago maitalagang bilang AFP Chief of Staff, sya ay naging battalion Commander, at Brigade Commander, nagkaroon din sya ng katungkulan sa GHQ, at pinakahuli ay bilang Commander ng Western Mindanao Command.
Bukod kay Pangulong Rodrigo Duterte dumalo sa seremonya sina dating Pangulong Fidel Ramos at Gloria Macapagal Arroyo.
Si Galvez ay miyembro ng PMA Class 1985 at mistah ni Phil. Army chief Lt Gen. Rolando Joselito Bautista.