BAGONG PINUNO | Malawakang balasahan, isinagawa na sa PNP

Manila, Philippines – Ikinasa na ang malawakang balasahan sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa special order 7699, na may petsang May 31, 2018, na inilabas ng PNP.

Inilipat ng puwesto sina NCRPO Regional Director Camilo Cascolan na inilagay sa CSG o Civil Security Group.


Mula naman sa Police Regional Calabarzon, inilagay si Regional Director Guillermo Eleazar bilang pinuno ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Inilagay naman si Police Director Federico Larosa Dulay Jr., sa Office of the Chief PNP.

Habang si PNP Spokesperson Police Chief Superintendent John Bulalacao ay malilipat bilang Regional Director ng Police Regional Office 6, papalit sa kanyang pwesto si Police Senior Superintendent Benigno Bugay Durana.

Mula sa PRO Cordillera ay inilagay si Police Chief Superintendent Edward Esperat Carranza sa PRO Calabarzon kapalit ni General Eleazar.

Si Chief Superintendent Rolando Nana mula sa NCRPO ay inilagay sa PRO Cordillera.

Habang si Chief Superintendent Rolando Anduyan na nasa PRO ARMM ay dinala sa NCRPO.

Epektibo ang malawakang balasahang ito ngayong araw, June 1, 2018.

Facebook Comments