BAGONG PINUNO | Napipintong Pag-upo ni Senador Sotto bilang Senate President, ipinagbunyi ng mga Grupo ng manggagawa

Manila, Philippines – Ipinagbunyi ng mga grupo ng mga manggagawa ang napipintong pag upo ni si Senador Vicente Sotto III bilang bagong Senate President.

Ayon kay Allan Tanjusay, tagapagsalita ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines, positibo ang kanilang hanay kay Sotto dahil may puso ito sa mga manggagawa.

Aniya, paulit ulit na nagpakita ng simpatiya si Sotto sa kahirapan ng mga manggagawa na makaagapay sa tumataas na presyo ng mga bilihin at bayarin sa serbisyo publiko.


Ngayon aniya na Senate President na ito, umaasa sila na mapapabilis na ang pagpasa sa 14th month pay bonus bill na siyang may akda.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2 , inaatasan nito ang mga private employers na magkaloob ng 14 month pay o bonus na katumbas ng one month basic salary para sa mga rank and file workers sa pribadong sektor.

Si Sotto rin aniya ang may akda ng Endo short-term employment.

Sa ilalim ng pamumuno ni Sotto, malaki rin ang pag asa na maitulak ang Security of Tenure Bill, ang anti-contractualization na naglalayong pangalagaan ang Karapatan ng mga short-term employed workers.

Facebook Comments