Manila, Philippines – Nagpaabot naman ng pagbati ang ilang senador sa pagkakatalaga kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Chief Superintendent Oscar Albayalde bilang susunod na PNP chief.
‘Best of luck’ ang wish si Senador Sherwin Gatchalian kay Albayalde.
Nakapagtatag na aniya si Albayalde ng matibay na reputasyon bilang isang disciplinarian, matapang at ‘no-nonsense’ leader.
Hinimok ni Gatchalian si Albayalde na gamitin ang ganitong uri ng pamumuno sa pagtataguyod ng disiplina sa pwersa ng pulisya at pagtanggal sa mga scalawag sa pamamagitan ng internal cleansing program.
Nakikita rin ni Senador JV Ejercito bilang isang maayos at disciplinarian leader si Albayalde.
Ang mga lider tulad ni Albayalde ang kailangan ng pambansang pulisya.
Sinang-ayunan din ni Senador Tito Sotto ang pagpili kay Albayalde dahil malinis ang rekord nito.