Bagong Pinuno ng 17th Infantry Battalion, Pormal Nang Umupo!

147

*Cauayan City, Isabela- *Pinalitan na ni Lt. Col Jesus C. Pagala si Lt Col Camilo Saddam bilang bagong pinuno ng 17th Infantry “Do or Die” Battalion, 5 th ID, Philippine Army sa pangunguna ni Brigadier General Alden Juan Masagca, pinuno ng 5th ID noong Marso 27, 2019 sa Brgy Masin, Alcala, Cagayan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Sgt. Jake Lopez ng 502nd Infantry “Liberator” Brigade sa programang Sentro Serbisyo ng 98.5 RMN Cauayan.

Una rito, umupo bilang pinuno ng 17th IB si Lt. Col. Saddam noong July 01, 2017 kung saan hindi matatawaran ang kanyang mga nagawang pagtulong sa mga mamamayan, pag-rehabilitate sa mga gusaling sinira ng mga nagdaang bagyo, pagkakubkub sa mga kuta ng mga NPA, walang sawang pagpapasuko sa mga rebelde sa Rizal, Cagayan at pagtulong sa oath of Reaffirmation sa mahigit isang libong kasapi ng NPA sa Cagayan.


Pinuri naman ni BGen. Masagca ang mga nagawang accomplishments ni Lt Col Saddam at umaasa ito na magsisilbing halimbawa ang magandang pamumuno ni Lt Col Saddam sa lahat ng mga magiging pinuno ng iba’t-ibang yunit ng sandatahang lakas.

Kaugnay nito, dati namang namuno bilang Battalion Commander ng 21st IB si Lt Col Pagala na naka base sa Mindanao at siya na ang ika-32 na naging kumander ng 17th Infantry Battalion.

Facebook Comments