Cauayan City, Isabela- Pormal nang umupo bilang bagong pinuno ng 503rd Infantry Brigade ng 5ID, Philippine Army si Colonel Santiago Enginco INF (GSC) PA.
Pinalitan nito si BGen Henry Doyaoen na nakatakda namang maitatalaga bilang Deputy Commander ng Northern Luzon Command.
Si Col Enginco ay kasapi ng Philippine Military Academy “Bigkis Lahi” Class of 1990 at naging Battalion staff ng walong (8) taon sa Mindanao sa ilalim ng 27th Infantry Battalion ng 6th Infantry Division, Philippine Army.
Na-assigned din si Col Enginco sa 5ID mula taong 2001 hanggang 2004 bilang S3 ng 503rd IB at naging Administrative Officer at Deputy of the Assistant Chief of Staff for Operations ng G3, 5ID.
Nagsilbi rin si Col Enginco bilang Battalion Commander ng 49th Infantry Battalion, 9th Infantry Division mula Mayo 18, 2009 hanggang June 4, 2011.
Itinalaga rin si Col Enginco bilang Assistant Chief of Unified Command Staff for Personnel, U1 at Civil Military Operations si Col Enginco mula sa taong 2012 hanggang 2014 bago siya naging Chief of Special Concerns Division ng OJ3, GHQ, AFP noong taong 2015.
Muli siyang nagsilbi sa Northern Luzon Command bilang Chief ng Governance and Strategy Management Office (GSMO) at naging Acting Chief of Staff ng 1st Infantry Division bago ito naging Deputy Brigade Commander ng 101st Infantry Brigade, 1ID, PA.
Huling nagsilbi bilang Assistant Division Commander sa Reservist and Retirees Affair ng 5ID si Col Enginco mula noong July 25, 2019 hanggang November 26, 2020.
Pinasalamatan naman ni Col Enginco sa dating pinuno ng 5ID na si Ret. Mgen Lorenzo Pablo dahil sa muling pagbabalik nito sa Star Troopers at ipinaabot rin nito ang lubos na pasasalamat kay 5ID Commander MGen Laurence Mina dahil sa pagtitiwala at pagpili sa kanya na pangasiwaan ang 503rd Brigade.
Samantala, sa ilalim naman ng pamumuno ni BGen Doyaoen sa 503rd IB, ipinakilala nito ang tamang konsepto ng pagsasagawa ng operation na malaking tulong sa pagkakabuwag ng Komiteng Larangan Guerilla (KLG) Ifugao at pagbaba ng pwersa ng KLG Marco in Mt. Province.
Ipinagpatuloy din nito ang pagsasagawa ng Community Support Program sa mga lugar na nakakategoryang red at white areas na nagresulta sa pag-clear ng 11 na mga barangay na apektado ng insurhensya at co-optation ng Ifugao Peasant Movement at ng mga samahang pang-mag-aaral sa Ifugao State University.