*Cauayan City, Isabela*- Pormal nang nanungkulan ang bagong upo na pinuno ng 50th Infantry ‘DEFENDER’ Battalion ng 5th Infantry Division, Philippine Army na nakabase sa Pinukpuk, Kalinga.
Pinangunahan ni MGen. Laurence Mina, Commander ng 5ID ang turnover ceremony na isinagawa noong Enero 29, 2021 sa headquarters ng 50IB.
Pinalitan na ni LTC Melanio Somera si LTC Alan Espela na matatalaga naman sa Office of the Assistant Chief of Staff for Personnel, G1 ng Headquarters ng 5th ID, PA.
Si LTC Somera ay naging Chief of Operations sa Training and Doctrine Command (TRADOC), Philippine Army, naging Deputy ng G8; Doctrine Development Officer, at Training and Research Officer.
Naging Public Information Officer din si LTC Somera ng Civil-Military Operations Officer ng 503rd Infantry Brigade at nadestino rin sa ba’t-ibang posisyon sa Mindanao at Visayas region maging sa National Capital Region.
Umaapela naman sa Defender troopers ang bagong pinuno na tulungan ito upang maipagpatuloy ang kampanyan kontra insurhensya sa nasasakupan at maprotektahan at mabigyan ng magandang serbisyo ang mga mamamayan.
Si LtC Espela ay pinamunuan ng mahigit dalawang taon ang 50IB na kung saan sa loob ng pamumuno nito ay nakahuli ang tropa ng anim (6) na kasapi ng New people’s Army (NPA) at dalawang neutralized na CPP-NPA personalities, mga matataas na kalibre ng armas, mga rifle grenades, improvised explosive devices, iba’t-ibang klase ng bala ng baril, at mga subersibong dokumento.
Dagdag dito, aktibo rin ang nasabing yunit sa pakikipagtulungan sa kampanya kontra illegal na droga ng PNP, at anti illegal logging campaign ng DENR.