Bagong Pinuno ng 86th IB, Itinalaga na!

96

Cauayan City, Isabela- Pormal nang umupo bilang bagong pinuno ng 86th Infantry (Highlander), 5th Infantry Division, Philippine Army si LTC Ali A Alejo matapos ang turn-over ng Command ceremony kahapon sa pangunguna ni MGen Pablo Lorenzo, Commanding General ng 5th ID na isinagawa sa himpilan ng 86th IB sa Brgy Uno, Jones, Isabela.
Pinalitan ni LTC Alejo si LTC Remigio Dulatre na manunungkulan naman sa tanggapan ng Assistant Chief of Staff for Civil Military Operations, G7, 5ID.

Bago itinalaga bilang Commanding Officer ng 86IB si LTC Alejo ay naging Executive Officer ito ng 503rd Brigade na nakabase sa lalawigan ng Kalinga at naatasan din sa Visayas at Mindanao sa loob ng 15 taon.
Sa naging talumpati naman ni LTC Alejo ay kanyang hinikayat ang mga stakeholders sa kanyang nasasakupan na makipagtulungan sa pamahalaan upang mapigilan ang anumang problema o insurhensya sa lugar.


Hinamon naman ni MGen Lorenzo si LTC Alejo na ibigay ang kanyang makakaya upang maisakatuparan ang misyon na ipinagkaloob sa kanya.

Binati at pinasalamatan rin ni MGen Lorenzo si outgoing LTC Dulatre maging ang buong tropa ng 86IB dahil sa kanilang nagawa at kanyang hinikayat ang tropa na ipagpatuloy ang kanilang propesyonalismo sa kanilang bagong Kumander.

Facebook Comments

From Advertisers