Bagong pinuno ng AFP, bubuo ng 10 bagong batalyon para ubusin ang mga armadong grupo sa bansa

Manila, Philippines – Bubuo ang AFP ng 10 bagong batalyon para ubusin ang lahat ng armadong grupo sa bansa.

Ito ang inihayag AFP Chief of Staff Lt. Gen Rey Leonardo Guerrero matapos pormal na manungkulan kahapon.

Ayon Kay Gen. Guerrero, kasama sa mga tatargetin ng pinalakas na kampanya ng AFP ang NPA, mga terrorista at lahat ng lawless armed groups.


Ito ay kasunod ng tagumpay ng AFP sa giyera sa Marawi kung saan epektibong nabura na sa mapa ang Maute terror group.

Sinabi ni Guerrero na sisikapin nilang gawin ang lahat ng kanilang makakaya para ma-neutralize ang mga threat groups na ito sa loob ng dalawang buwan.

Ang limitadong panahon ay dahil nakatakdang magretiro sa serbisyo si Guerrero sa Disyembre, kung hindi ma-eextend ang kanyang termino.

Facebook Comments