Bagong Pinuno ng PRO 02, Pormal Nang Umupo

36

Cauayan City, Isabela- Itinalaga na kahapon ang bagong pinuno ng Police Regional Office 02 na si PBGen Crizaldo Obispo Nieves.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Lt. *Col* Chivalier *Iringan*, Information Officer ng *PRO2*, pinalitan na ni PBGen Nieves na dating Director ng Aviation Security Group at miyembro ng PNPA Class of 1989 si PBGen Angelito Casimiro na 8 buwan na naging pinuno ng PRO2.


Ayon kay P/Lt Col. Iringan, itatalaga naman si PBGen Casimiro bilang Director ng Directorate for Logistics sa Kampo Krame.

Mensahe naman ni PBGen Nieves sa isinagawang turn over ceremony kahapon sa PRO 02 Grandstand na sisikapin aniya nitong pantayan ang mga accomplishments na nagawa ni PBGen Casimiro gaya sa pagsugpo sa illegal na droga at terorismo sa tulong na rin aniya ng buong hanay ng PRO2.

Ayon pa kay P/Lt Col. Iringan, ang isinagawang tur over ceremony ay pinangunahan ni PMGen. Gilberto Cruz, Director ng Directorate for Integrated Police Operation Northern Luzon na dinaluhan nina BGen. Larry Mojica, Assistant Division Commander ng 5th ID, BGen. Laurence Mina, Commander ng 502nd IB, mga stakeholders, ilang municipal mayors at si Cagayan Governor Manuel Mamba.

Dumalo rin sa seremonya ang pamilya ng dati at bagong Regional Director ng PRO 02.

Sinabi pa aniya ng bagong pinuno na hindi nito magagawa ang kanyang mga plano kung walang suporta na manggagaling sa iba’t-ibang hanay ng PRO 02 maging sa mga lokal na opisyal.




Facebook Comments