BAGONG PINUNO | Pangulong Duterte, wala pang napipisil na papalit kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa

Manila, Philippines – Magtatalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong ambassador sa Kuwait.

Ito ay matapos ideklarang persona non grata ng gobyerno ng Kuwait si Ambassador Renato Villa dahil sa rescue operation ng mga tauhan ng embahada ng Pilipinas sa mga distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kuwait.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala pang napipisil ang Pangulo na papalit sa puwesto ni Villa.


Tiniyak naman ni Roque na may mga kinatawan ang gobyerno ng Pilipinas na nangangasiwa sa mga OFWs sa Kuwait gaya halimbawa ang chargé d’affaires at si Special Envoy to Kuwait Abdullah Mamao.

Facebook Comments