BAGONG PINUNO | Recep Tayyip Erdogan, re-elected bilang Turkish president

Turkey – Muling nahalal bilang presidente ng Turkey si Recep Tayyip Erdogan.

Mas lumawak pa ang kapangyarihan ni Erdogan matapos aprubahan sa referendum ang paghina sa kongreso at pagbuwag sa prime minister post.

Ayon sa natalong katunggali ni Erdogan na si Muharrem Ince, papasok ang Turkey sa mapanganib na panahon ng ‘one-man rule’.


Nakuha ni Erdogan ang 53% ng boto habang nasa 31% lang si Ince.

Sa edad 64, nagtatag si Erdogan ng strong economy at solid support base pero nakapagsagawa rin ng crackdown kontra sa mga kalaban nito at nakapagpakulong ng nasa 160,000.

Facebook Comments