BAGONG PINUNO | Secretary Guevarra, opisyal nang uupo bukas sa DOJ

Manila, Philippines – Bukas ay opisyal nang uupo sa pwesto ni Secretary Menandro Guevarra bilang bagong kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Secretary Guevarra, ang unang una niyang gagawin ay magtalaga ng mga mapagkakatiwalaan niyang tauhan, na magiging katuwang niya sa kaniyang trabaho.

Nilinaw naman ni Guevarra na hindi lahat ng mga inappoint ni resigned DOJ Secretary Vitaliano Aguirre ay kaniyang papalitan.


Magtatalaga rin aniya siya ng official spokesperson ng DOJ upang sumagot sa mga katanungan ng media.

Kaugnay nito, nanawagan naman si Guevarra sa media na hanggat maaari ay iwasan ang pagsasagawa ng ambush interviews.

Facebook Comments