BAGONG PINUNO | Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, sasalang sa confirmation hearing

Manila, Philippines – Nakatakdang sumalang si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa confirmation hearing sa huling linggo ng Mayo bago magtapos ang regular session ng Kongreso.

Ito ay matapos na walang nagpatalang oppositor sa appointment ni Puyat para sa kaniyang kumpirmasyon sa Commission On Appointment (CA).

Si Puyat ang pumalit sa nagbitiw na si Wanda Teo makaraang makaladkad sa ilang isyu sa DOT.
Maliban kay Puyat, isasalang na rin sa hearing ang appointment ni Department of Agrarian Reform Secretary John Castriciones pero tatlo ang nagpatala bilang oppositor sa pagtatalaga sa kaniya.


Ang acting Department of Agrarian Reform Chief ay siyang pumalit sa pwesto ni Rafael Mariano matapos na hindi nakalusot sa CA.

Facebook Comments