Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rorigo Duterte bilang Chairman ng Presidential Anti-Corruption Commission si Volunteer Against Crime and Corruption Founding Chairman Dante Jimenez.
Ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ay binuo ni Pangulong Duterte sa bisa ng Executive Order number 43.
Ang PACC ay ang sinasabing komisyon na siyang magiimbestiga sa lahat ng opisyal ng Pamahalaan para malaman kung may kinalaman ang mga ito sa iligal na gawain o katiwalian.
Nabuo ang nasabing komisyon noon sa harap na rin ng issue sa pagitan ni Pangulong Duterte at ni Ombudsman Conchita Carpio Morales kaya naman naiugnay ang PACC bilang komisyon na siyang mag-iimbestiga sa Ombudsman.
Bukod kay Jimenez ay naitalaga naman bilang commissioners ng PACC sina Gregorio Contacto III, Greco Belgica at Ricson Chiong.