Thursday, April 9, 2026

Bagong pirmang petroleum service contracts ni PBBM, makababawas sa pagdepende ng bansa sa imported fuels—DOE

Iginiit ng Department of Energy (DOE) na babawasan ng 2 petroleum service contract na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagdepende ng bansa sa imported fuels.

Ayon sa Energy Department, mas mapatatatag nito ang suplay ng enerhiya at makalilikha ng mga trabaho at oportunidad sa lokal na komunidad.

Lalong nagiging mahalaga umano ang paggamit ng sariling indigenous energy resources upang mabawasan ang pagdepende sa imported fuel ngayong may oil crisis sa pandaigdigan.

Kabilang sa mga proyekto ang Alegria Oil and Gas Field sa Cebu at pag-explore ng natural hydrogen sa Leyte.

Inaasahan daw na magdadagdag ang mga ito sa lokal na suplay ng enerhiya at magbubukas ng bagong oportunidad sa sektor.

Una nang sinabi ng ahensya na para sa exploration at produksyon ng lokal na enerhiya ang mga bagong kontrata.

Facebook Comments