BAGONG PLAKA PARA SA MOTORSIKLO, INIHAHANDA NA NG LTO

Baguio, Philippines – Dahil sa nararanasang pandemya ng mundo ngayon dahil sa Corona Virus Desease (Covid-19), nagkaroon ng bahagyang pagkaantala ang pagbibigay ng mga doble at malalaking plaka ng motorsiklo sa mga motorista ngunit sinigurado sa publiko ni Land Transportation Office (LTO) Cordillera regional director, Francis Ray Almora, na hangga’t ginagawa ng gobyerno ang mga makabagong plaka, hindi muna sila manghuhuli ng mga violators.

Ayon sa Regional Director, sa ipinasang Republic Act No. 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act, na dapat maiimplementa sana sa darating na Sabado, Hunyo 6, kung saan aminado ang ahensya na ginagawa palang at plaka pero inaasahan sa darating na Hulyo, naibigay na lahat ng bagong plaka sa mga motorista at susunod sa batas ngunit may mga pagbabago ang pag-iimplementa ng batas na naka-depende padin sa panahon at sitwasyon kaya hindi makapagbibigay ang ahensya kung kailan ang eksaktong panahon para maiimplementa ang batas.

Dahil suspindido pa din ang mga serbisyo ng ilang mga pampublikong transportasyon, ang motorsiklo ang naging pangunahing transportasyon ng karamihan ngayon kaya marami ang umaapila sa ahensya patungkol sa nasabing batas ngunit ayon kay LTO Director Almora, hangga’t hindi pa ito na re-apeal o magkaroon ng amendment, ahy mananatili itong maiimplimenta.


Nakasaad sa regulasyon o IRR ng LTO na kailangang magkaroon ng “bigger, readable and color-coded” na mga plaka ang mga motorsiklo kasama na din ang pailaw ng likurang plaka para madaling makita ang numero nito at mapapatawan ng P100,000 ang mga motoristang walang “readable license plate”.

Facebook Comments