Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglikha ng bagong plantilla positions para sa mga school counselors sa bansa.
Ito’y matapos lagdaan ng Pangulo ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act na layong isulong ang mental health sa mga paaralan.
Kabilang sa mga posisyong bubuksan ay ang School Counselor Associate I to V, School Counselor I to IV, at Schools Division Counselor habang ang mga kasalukuyang posisyon ay rerepasuhin at ire-reclassify.
Inatasan ng Pangulo ang Department of Budget and Management (DBM), Department of Education (DepEd), at Civil Service Commission (CSC) na pangunahan ang paglikha ng plantilla positions.
Facebook Comments