CAUAYAN CITY- Natapos na ang renovasyon at konstruksyon ng bagong pampublikong plaza at parke sa Poblacion South, Lagawe, Ifugao.
Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng inisyal na P15 milyon na pinondohan sa ilalim ng FY 2023 Local Government Support Fund – Financial Assistance to Local Government Units.
Kabilang din dito ang kasalukuyang konstruksyon ng basketball at tennis court na magbibigay ng karagdagang pasilidad para sa sports at libangan.
Pinangunahan ni Provincial Governor Jerry Dalipog ang proyektong ito, na naglalayong magbigay ng mas malawak na espasyo para sa relaxation at bonding ng mga pamilya at mahal sa buhay.
Ang proyektong ito ay mas naging mahalaga matapos ang mga pagsubok na dala ng pandemya.
Ang disenyo ng bagong plaza at parke ay inspirado ng tradisyunal na Ifugao native houses, na sumasalamin sa mayamang kultura at kasaysayan ng probinsya.
Samantala, pinaalalahanan ang mga residente na panatilihin ang kalinisan ng parke sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura at moma o betel nut.
Layunin ng abisong ito na mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng lugar para sa kapakinabangan ng lahat.