Bagong PMA supt. pormal nang umupo sa pwesto

Umupo na bilang bagong superintendent ng Philippine Military Academy (PMA) si Rear Admiral Cusi.

Si Cusi ay pumalit kay Lieutenant General Ronnie Evangelista na nagbitiw sa pwesto matapos ang pagkamatay ni 4th class cadet Darwin Dormitorio habang nasa akademya.

Isinagawa ang Change of command ceremony sa Fort Gregorio De Pilar sa Baguio City.


Si Cusi ay miyembro ng PMA’s Sinagtala Class of 1986 na dating vice commander ng Philippine Navy.

Matatandaang sa pagbitiw sa pwesto ni Evangelista nagbitiw rin sa kanyang posisyon si Brigadier General Bartolome Bacarro bilang PMA Commandant of Cadets.

Ipinalit kay Bacarro si Brigadier General Romeo Brawner na dating nakatalaga sa 103rd Infantry Brigade bilang commander.

Ang pagbitiw  ng dalawa sa pwesto ay sa harap ng patuloy na imbestigasyon sa kaso ng pagkamatay sa hazing ni Dormitorio na ayon sa Philippine National Police o PNP ay planado ang pagpapahirap at pagpatay sa kadete.

Facebook Comments