Bagong PNP Building sa Cabatuan, Pinasinayaan!

Cabatuan, Isabela – Binasbasan at pinasinayaan kaninang umaga, February 22, 2018 ang bagong gusali ng PNP Cabatuan.

Sa naging mensahe ni Acting Chief of Police Senior Inspector Prospero A. Agonoy, malaki ang pasasalamat nya at buong kapulisan ng Cabatuan sa pagkakaroon ng panibago at malaking tanggapan ng kanyang hanay.

Sinabi nman ng naging panauhing pandangal na si DRDA PCSupt. Petronelli M. Baldebrin na ang bagong gusali ay magsilbi umanong bagong gilas at lakas sa serbisyo ng lahat ng kapulisan sa Cabatuan,Isabela.


Naging panauhin din sa inagurasyon ang Municipal Mayor ng Cabatuan na si Hon. Charlton Liu Uy at ayon sa kanyang naging mensahe malaking karangalan sa bayan ng Cabatuan na makitang bago at malaki ang tanggapan ng pnp.

Binasbasan nman ang bagong pnp building sa pamamagitan ni Bishop Samuel R. Ignacio ng Diocesan Bishop of Southern Isabela Independent Church of Filipino Christians (Aglipay Memorial Church)



Facebook Comments