Bagong PNP Building sa Surigao City pinasinayaan

Bagong PNP Building sa Surigao City pinasinayaan. Pinasinayaan ang bagong PNP building sa Surigao City sa pangunguna ni Regional Director Gen. Rolando Felix. Inihayag nito, base sa kanyang paglilibot sa buong Caraga Region ang PNP building dito sa lunsod ang pinakamaganda at sana’y magsilbing landmark ng PNP Surigao City. Dagdag pa nito, malaking bagay ang PNP Building dahil Ito’y repleksiyon sa kanilang organisasyon. Kasama na rin ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa paligid. Diumano’y may P14 million ang budget sa pagpapatayo ng building, Ito’y natapos sa loob ng isang taon at 5 buwan. Dumalo rin sa naturang okasyon sina Vice Gov. Arturo Carlos Egay Jr at Vice Mayor Alfonso Casurra.

Facebook Comments