Bagong PNP Chief Director General Debold Sinas, nagpaabot ng pasasalamat sa mga miyembro ng NCRPO Press Association

98
Photo Courtesy: Philippine National Police

Lubos na nagpapasalamat si bagong Philippine National Police (PNP) Chief Director General Debold Sinas sa lahat ng mga kasapi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Press Association sa kanilang kooperasyon at suporta noong siya pa Regional Director ng NCRPO.

Ayon kay Sinas, ang kanilang kooperasyon at suporta ay nagbigay ng malaking kontribusyon upang maging matagumpay ang kanilang visions, missions at mga gawain.


Paliwanag ng bagong PNP Chief, ipagpapatuloy lamang nila ang kanilang mga magagandang gawain at hinikayat din ni Sinas ang mga miyembro ng NCRPO Press Association na magbigay ng buong suporta at magtiwala sa kakayahan ng bagong NCRPO Regional Director, PBGen. Vicente Danao Jr. dahil mangunguna siya upang lalong magtagumpay ang NCRPO.

Naniniwala si Sinas sa kakayahan ni Danao na pamunuan ang NCRPO at tiwalang ipagpapatuloy nito ang kanyang magandang sinimulan sa naturang organisasyon.

Facebook Comments