Trust and confidence ang pangunahing pinagbasehan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili kay Major General Debold Sinas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na si Sinas ang pinaka-pinagkakatiwalaan ngayong opisyal ni Pangulong Duterte sa pambansang pulisya.
Maliban dito, ang record din aniya ni Sinas bilang drug crusader ang isa sa posibleng kwalipikasyong nagustuhan ng Pangulo.
Sa katunayan aniya, ang pangunahing direktiba ng Commander-in-Chief kay Sinas ay ipagpatuloy ang kampanya kontra ilegal na droga at iba pang mga nasimulang kampanya para sa peace and order.
Iginiit naman ni Roque na presidential prerogative ang pagpili ng isang PNP Chief at hindi ito kailangang ipaliwanag o idipensa pa ng Pangulo.
Si Sinas ay naging kontrobersyal dahil sa pagsuway nito sa quarantine protocol lalo na ang kanyang mañanita party.