
Kinumpirma ngayon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na mayroon nang napili si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong PNP chief.
Sa ambush interview, sinabi ni Secretary Remulla na very qualified, good track record at excellent ang napili ng Pangulong Marcos sa susunod na pinuno ng Pambansang Pulisya.
Nabanggit din ng Kalihim na excellent choice ang napili ng Pangulo na magiging PNP chief.
Paliwanag ng Kalihim na susunod na dalawang linggo ay babanggitin na umano ng Pangulo ang susunod na pangulo na papalit kay PNP chief Gen. Rommel Marbil.
Nabanggit din ni Remulla na palalawakin din ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa ang three minutes response na sinimulan ni CIDG chief at dating QCPD Director PMGEN Nicolas Torre III sa QCPD.









