Epektibo simula ngayong araw, ang panunungkulan sa pwesto ni PNP Chief Police Brig. General Rodolfo Azurin Jr.
Ginanap kanina sa Kampo Krame ang Arrival Honor at Assumption of Duty ni Gen. Azurin.
Sa talumpati ni Gen. Azurin, nagpapasalamat ito sa Diyos para sa pagkakataong paglingkuran ang bansa gayundin kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nagtiwala sa kanya para pamununan ang Pambansang Pulisya.
Nangako ang PNP chief na paiigtingin pa ang kaayusan at katahimikan sa bansa.
Samantala, tututukan naman ni Gen. Azurin ang tatlong aspetong prayoridad, kasama na rito ang malasakit, kaayusan at kapayapaan.
Sa aspeto ng malasakit sinabi nito na kinakailangang maniwala ang taumbayan sa kapulisan na handa silang rumesponde anumang oras, habang sa kaayusan ang rule of law ang dapat na mamayani kung saan walang papaboran ang hustisya at sa aspeto ng kapayapaan maipagpapatuloy ang mababang antas ng krimen, war on drugs at iba pa.
Nabatid na ang bagong PNP chief ay tubong Tarlac na miyembro ng PMA Makatao class of 1989.
Si Azurin ay ika-28 PNP chief kung saan magtatagal ang kanyang termino hanggang April 24, 2023.