Bagong PNP Chief Sinas, naniniwalang karapat-dapat na maging pinuno ng Pambansang Pulisya

Photo Courtesy: Philippine National Police

Sa kabila ng kaliwa’t kanang kritisismo sa kaniyang pagkakatalaga bilang pinuno ng Pambansang Pulisya, sinabi ni Police Major General Debold Sinas na karapat-dapat siya na maging pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Gen. Sinas, marami na siyang napagdaanang posisyon bago marating ang pinakamataas na pwesto sa PNP.

Kabilang aniya rito ang pagiging hepe ng Central Visayas Police Office, naging Deputy Regional Director for Administration din aniya siya sa Police Regional Office 12, nagsilbing Secretary to the Directorial Staff sa Kampo Krame, direktor ng PNP Crime Laboratory at naging Police Chief Superintendent noong 2017.


Sinabi ni Chief Sinas na kahit hindi kumpyansa ang karamihan sa kanyang liderato ay wala na aniya siyang magagawa hinggil dito dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang pumili sa kanya.

Giit pa ng opisyal patutunayan na lamang niya na karapat-dapat siya na maging PNP Chief at tiniyak na ipatutupad ang direktiba sa kanya ni Pangulong Duterte kabilang ang pagsugpo sa iligal na droga, sa koraspyon at sa terorismo.

Facebook Comments