
Nai-turn-over na ang tatlong bagong police vehicles para sa Las Piñas City Police Station.
Ito’y bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na paigtingin ang peace and order.
Ayon sa Las Piñas local government unit (LGU), layunin ng pamahalaan na masigurong mabilis ang pagtugon ng kapulisan sa anumang insidente at pangyayari sa komunidad.
Ang mga bagong sasakyan ay magagamit ng mga pulis upang mapalawak ang kanilang operasyon at mapabilis ang kanilang pagresponde sa mga emergency calls.
Sa pamamagitan nito, inaasahan ang mas maayos na serbisyo para sa mga residente.
Nais din ng lokal na pamahalaan na nananatiling prayoridad ang mga residente kaya patuloy ang pagtutulungan ng lungsod at ng kapulisan upang mas mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong lugar.









