Nagsanib pwersa ang LGU Manaoag, Manaoag Police Station, Liga ng mga Barangay at NAPOLCOM Region I sa pagpapatupad ng Community and Service-Oriented Policing (CSOP) System sa bayan matapos ang opisyal na paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) noong Martes, Pebrero 3.
Palalakasin ng kasunduan ang koordinasyon ng mga awtoridad sa pagtatrabaho upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Kabilang sa mga binanggit na gagawin at ipatutupad na hakbang ang Peace and Order and Public Safety Plan at Integrated Area/Community Public Safety Plan.
Sa pamamagitan nito, inaasahang mapapadali ang access sa hustisya at mapapabuti ang serbisyong pampubliko para sa lahat ng residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








