Tinawag ng isang grupo ng healthcare workers na hindi makatarungan ang bagong polisiya ng Department of Health (DOH) na tumutukoy sa risk level ng healthcare workers para mabigyan ng One COVID-19 Allowance.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Alliance of Health Workers President Robert Mendoza insulto ito sa mga health care workers lalo na’t marami na sa kanila ang tinamaan ng COVID-19.
Sa bagong guidelines ng DOH, papalitan na ng one COVID-19 allowance ang special Risk Allowances para sa healthcare workers kung saan ibabatay sa kanilang exposure ang matatanggap na benepisyo.
Sa ngayon aniya ay marami pa ring healthcare workers ang hindi natatanggap ang karampatang benepisyo na nakalaan sa ilalim ng Bayanihan 2.
Facebook Comments